Connect with us

lifestyle

Kasambahay Noon, Donya Na Ngayon? Alamin!

Ating alamin ang timely story ng matagumpay na mahusay na negosyante na dating kasambahay pala lamang!

Published

on

CTTO May Puhunan Episode ni Karen Davila / Photo from Google

Kasambahay noon, Donya na ngayon? Ito ang napapanahong kwento na magbibigay inspirasyon sa atin na hindi hadlang ang kalagayan at sitwasyon sa buhay upang magtagumpay sa bawat larangang ating paninindigan basta may bitbit lamang ng sapat na determinasyon.

Isang kwento na puno ng inspirasyon ang hatid ng dating kasambahay matapos mabago ang buhay at naging matagumpay dahil sa pagnenegosyo. Siya nga si Charina Bitas o Cha na nakaranas ng hirap at pagsubok sa buhay bilang kasambahay bago tuluyang nasumpungan ang inaasam na tagumpay. Ito nga ay matapos niyang madiskubre ang tamang produkto na kanyang ibebenta, na magpapabago ng kanyang buhay.

Sa episode noong Oktubre 2, 2019 ng programang “May Puhunan” ni Karen Davila, ay nagbigay ng inspirasyon si Cha nang ibahagi ang kanyang kwento ng tagumpay.

Si Cha ay isang dating kasambahay na nagmula sa Bohol, at nanirahan sa Laguna upang kumita ng pera para makatulong sa pamilya. Nagpasya ang kanyang mga magulang na tumira sa isang squatter sa Laguna, sa pag-aakalang aayos ang kanilang buhay. Ngunit, dahil ang kanyang ama ay isang karpentero, samantalang ang ina naman ay kasambahay, ay hindi ito nangyari. Kaya naman, upang makatulong sa mga magulang ay namasukan rin bilang isang kasambahay si Cha.

At ang trabaho niya bilang kasambahay ang naging daan upang makilala niya ang kanyang asawa na manager ng isang kompanya, at may-ari ng lending business. Ngunit, sa kasamaang-palad ang kanilang lending business ay nalugi, na kung saan ang mga kliyente ay hindi na nagbayad ng kanilang utang.

Hindi nga halos matanggap ni Cha ang paglubog ng kanilang lending business at nagdulot ito sa kanya ng matinding stress. Dahil nga sa stress,  tinubuan siya ng freckles at pimples sa kanyang mukha. Hanggang sa ito nga ay dumami ng dumami, na nagdala lalo sa kanya ng kalungkutan.

Kaya naman, sumangguni siya sa kanyang kapatid na sabihin sa kanya ang sikreto nito upang mapanatiling bata at maganda ang mukha nito. Sa unang gamit ng naturang sabon, ay umepekto ito sa kanya at agad niyang nagustuhan ang produkto. Kaya naman, naisip niyang magnegosyo ng beauty products.

At nang magkaroon na nga ng sariling brand ng beauty products, ay inaalok niya ang lahat ng kanyang kakilala. Nagsumikap rin siyang maghanap ng mga taong maaaring bumili ng kanyang produkto. Hindi siya tumigil, at ginawa ang lahat upang makilala at maging mabenta ang kanyang produkto.

Hindi nga nagtagal, ang kanyang hirap at pagsisikap ay nagbunga ng tagumpay. Mula sa kanyang beauty products, ay kumita siya ng malaki kung saan ay nakapagpatayo siya ng sariling bahay, at nabili rin ang lahat ng naisin niya.

Nang mapanood nga ang kwento ni Cha sa telebisyon ay marami ang nabigyan ng inspirasyon na magsimula sa pagnenegosyo. Marami ang humanga sa diskarte at kasipagan ng dating kasambahay, na ngayon nga ay malaki na ang ipinagbago ng buhay bilang isang matagumpay na negosyante.

Anong reaksyon nyo dito sa kwentong dating kasambahay na naging inspirasyon ng social media at talaga namang kapupulutan ng gintong aral?

Just comment down below for your valuable inputs regarding this significant story. Have a nice day!

Continue Reading
Click to comment

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply

lifestyle

Construction Worker Hinangaan – Nakapagpatayo Ng Dream House!

Gaano ba kahalaga ang pag iipon or pag-iimpok ng pera? Nararapat bang gawin ito ng bawat pamilya or ito’y hindi magandang kultura na dapat na lang kalimutan at iwasan?

Published

on

Construction Worker Hinangaan
Construction Worker Hinangaan - Nakapagpatayo Ng Dream House! / CTTO Kember Flores Casabuena FB Post / Photo from Google

Construction worker hinangaan – nakapagpatayo ng dream house! Ito ang napapanahong istorya na ating pagkukunan ng inspirasyon upang tularan ng ating mga kababayan.

Gaano ba kahalaga ang pag iipon or pag-iimpok ng pera? Nararapat bang gawin ito ng bawat pamilya or ito’y hindi magandang kultura na dapat na lang kalimutan at iwasan?

Alamin natin ang kasagutan sa ating kwentong itatampok:

Upang makapag-ipon dapat ang paggastos ay lagyan ng limitasyon at nararapat planuhin upang hindi mapunta sa walang katuturan ang paggamit ng pera. Since na sa buhay na ito ay di maiiwasan ang kalamidad, pagkakasakit at marami pang ibang pangailangan sa hinaharap kaya nahihimok tayong mag-ipon upang may magamit sa panahon ng pangangailangan.

Read Also: Mala-Resort Na Dream House Ni Coco, May Private Cinema?

Kagaya na lamang ng isang kwento ng mag-asawang nag-viral sa social media dahil sa kanilang kahusayan sa pag-iipon.

Perang naipon sa planado at determinadong pag iimpok na katas ng construction
Perang naipon sa planado at determinadong pag-iimpok na katas ng construction / Photo from Google

Ang mag-asawang ito ay sina Kember Flores Casabuena at kaniyang asawa na si Alphie Castante Olvis. Si Kember ay isa lamang maybahay at ang kaniyang asawa naman ay isang construction worker. Maliit lamang ang kinikita ni Alphie sa kaniyang pagco-construction ngunit hindi ito naging hadlang upang sila ay makapag-ipon.

Read Also: Naunang Medico-Legal Report: Nagpagulo Sa Dacera Case!

Sa bawat iniuuwing sahod ni Alphie ibinibigay niya ito agad kay Kember at talagang masinop si Kember at madiskarte sa buhay kahit nasa bahay lamang siya.

CTTO Kember Flores Casabuena FB Post
CTTO Kember Flores Casabuena FB Post / Photo from Google

Ang mag-asawa ay nagtitipid sa kanilang mga gastusin upang makaipon para sa kanilang pangarap na bahay. Ang mag-asawa ay nagtatabi ng pinaka maliit ay Php50 pesos bawat araw mula sa kanilang budget sa araw-araw.

Ang kanilang inipon ay inilalagay nila sa mga kahon ng sapatos kaya nung napuno na ito ay inilipat nila ang kanilang mga naipon sa isang balde. Sa loob ng ilang taong pag-iipon hindi namalayan ng mag-asawa na lumago na pala ang kanilang naipon na pera.

Kaya matapos nila itong bilangin ay pinost ito ni Kember sa kaniyang facebook at marami ang namangha sa kaniyang larawan.

Read Also: 10-taong batang babae patay sa Italy matapos sumali sa TikTok ‘blackout challenge’

CTTO Kember Flores Casabuena FB Post
CTTO Kember Flores Casabuena FB Post / Photo from Google

Ang kanilang mga naipon kasi ay hindi lamang Php50 pesos mayroon ding Php1000 pesos at Php500 pesos. Napahanga sa kanila ang mga netizens dahil sa naging sistema ng kanilang pag-iipon.

Ayon kay Kember, ang nagbigay sa kaniya ng inspirasyon upang mag-ipon ay ang “Ipon Challenge” sa isang kwento na ini-ere sa ‘Kapuso Mo Jessica Soho’.

Read Also: Espiritu Ni Christine – Told Psychic To Solve The Case?

Kaya ang kanilang naipon ay ginamit nila sa pag-papagawa ng sarili nilang bahay.

Perang naipon sa planado at determinadong pag iimpok na katas ng construction
Perang naipon sa planado at determinadong pag-iimpok na katas ng construction / Photo from Google

Ang mag-asawang ito ay isang patunay na hindi mahalaga kung gaano man kaliit o kalaki ang kinikitang pera upang makapag-ipon. Kung lalakipan ng tamang pagtitipid ang mga gastusin sa bawat araw ay siguradong may pangarap na matutupad. Walang imposible sa taong may determinasyon sa buhay upang mabigyan ng kulay ang mga iginuhit na pangarap.

Read Also: OFW, mala-pelikula ang mga napuntahang lugar dahil sa mabait na amo

Anong masasabi nyo sa kwentong ito? Nararapat bang tularan ang kanilang pamamaraan? Just leave your thoughts at the comment section below.. Thanks for your valuable time spent with us!

Continue Reading

lifestyle

Gasoline Boy Dream House – Come True? Kilalanin!

Halina’t kilalanin natin ang isang simpleng gasoline boy na nangarap at dahil sa determinasyon ay biniyayaan at ito’y nakamtan sa awa ng Maykapal.

Published

on

Photo from Google

Gasoline Boy dream house – come true? Kilalanin natin ang isang nakakapukaw inspirasyon sa kwento ng isang simpleng gasoline boy na nangarap at dahil sa determinasyon ay biniyayaan at nakamtan ang pangarap sa awa ng Maykapal!

Ang pagsisikap na maabot natin ang ating mga pangarap ay hindi madali, ngunit kung may determinasyon ka sa iyong sarili walang impossible na maabot ito. Lalo pa ngayon na mas nagiging mahirap ang buhay.

Kagaya na lamang ng isang gasoline boy na nakapagpatayo ng kaniyang pinangarap na bahay sa kakarampot niyang sahod sa bawat araw ng kaniyang pagtatrabaho. Kaya hindi aakalain na magagawa niya ito.

Ang gasoline boy na ito ay si Igue G. Varra, sa edad na 26 siya ay nakapagpatayo na ng kaniyang pinangarap na bahay. Ang pinangarap niyang bahay ay nagsimulang itayo noong March 2020 lamang at kasalukuyang may community lockdown.

Itong kaniyang pinagawang bahay ay naging usap-usapan sa social media kung saan umaabot na sa Php250,000 ang ginastos niya dagdag pa ang Php25, 000 para sa pagpapalagay niya ng mga grills at iron gate.

Ang bahay ni Igue ay may sukat na sahig na 22 ft x 24 ft, kung saan marami na ang pwedeng mailagay na mga gamit sa loob ng bahay. Hindi pa man ito natatapos, mukhang maganda na ang kakalabasan nito dahil sa napakaganda nitong disenyo.

Ang disenyo ng bahay ay napaka moderno kung saan meron itong 2 silid-tulugan at 1 banyo. Meron din itong magandang balkonahe sa harap na kanilang bahay, meron din itong isang magandang sala, at isang maliit na kusina na may daanan papunta sa likod ng kanilang bahay.

Ayon sa post, si Igue mismo ang gumawa ng floor plan ng kaniyang bahay kaya talagang maganda ito.

Ang kaniyang bahay ay malapit na ring matapos dahil meron na rin itong gate. Sa uri ng trabaho ni Igue hindi mo aakalain na siya ay makakaipon ng malaking halaga para sa kaniyang pinangarap na bahay.

Maraming mga netizen ang humanga sa kaniya dahil sa kaniyang pagiging matipid upang makabili siya ng sariling lupa at makapagpatayo ng kaniyang pinangarap na bahay.

Anong maidaragdag nyong reaction sa very inspiring na kwentong ating itinampok ngayon? Nais nyo bang masilayan ang Gasoline Boy Dream House na nagkatutoo? Just comment down below for your valuable thoughts regarding sa real life story na ito..

Continue Reading

lifestyle

Kilalanin Dating Kargador Noon, Doktor Ng Edukasyon Ngayon!

Hanap mo ba’y ibayong inspirasyon sa panahon natin ngayon? Tara na at alamin ang buong kwentong siksik sa inspirasyon at pampalakas ng loob na kwento ni Dr. Jonny!

Published

on

CTTO Dr. Jonny Viray / DepEd Open Educational Resources FB Post / Photo from Google

Kilalanin dating kargador noon, doctor of education na ngayon! Isang napapanahong kwento ng pag-asa lalo sa mga taong nakakaranas ng bullying mula sa mga kapamilya, kaibigan at mga kakilala!

Hanap mo ba’y sapat na inspirasyon? Tara at alamin natin ang kanyang buong kwento!

Tunay nga naman na kung ikaw ay may pangarap na maging maunlad sa buhay, ano pa mang hirap ang iyong pagdaanan at pangmamaliit mula sa iyong kapwa ang iyong maririnig, ay hindi ito ang magiging dahilan mo upang tumigil sa pagtupad ng panagarap mo.

Bagkus ay ito pa ang magiging motibasyon mo upang ipagpatuloy ang nasimulan, hanggang sa tuluyan ng maabot ang tagumpay ng buhay na iyong pinapangarap.

Isa nga sa mga halimbawa nito ay ang Doctor of Education na ngayon na si sir Jonny Viray, kung saan ay bago pa man niya naabot ang magandang propesyon niya sa buhay, ay marami siyang hirap at pangmamaliit na naranasan sa buhay.

Sa Facebook page ng DepEd Open Educational Resources (OER), ay ibinahagi nito ang puno ng inspirasyong kwento ng naging buhay ni Jonny Viray.

Ayon nga sa naging paglalahad ng buhay ni Jonny, mula ito sa isang mahirap na pamilya, na dahil sa sobrang kahirapan, ay hindi man lang nila naranasan ang magkaroon ng simple man lang na pagdiriwang sa kanilang tahanan, kahit pa ng aba si Jonny noon ay nakakakuha ng mga parangal sa eskwelahan.

Kahit nga umano ‘pancit’ ay hindi nila kayang bumili para kahit papaano ay pag saluhan kapag may okasyon o selebrasyon.

Noong elementary umano si Jonny, ay dalawang piso lamang ang kanyang baon tuwing papasok sa paaralan, kaya naman lugaw lang ang kaya niyang mabili.

Mas humirap pa nga ang sitwasyon ni Jonny pagdating niya sa highschool, dahil kahit lugaw ay hindi na niya kayang bilhin pa.

Samantala,si Jonny ay nag-aral ng highscool sa isang pang publikong paaralan sa Pampangga, kung saan ang matrikula lamang ay nasa P244 kada buwan, sa iba marahil ay napakamurang halaga nito, ngunit para sa pamilya ni Jonny na hikahos sa buhay, ay mahirap ng kitain ang ganitong halaga.

Dahil nga sa gutom, at halos walang makain sa kanyang naging pag-aaral, ay muntik ng magdesisyon si Jonny na tumigil na sa pag-aaral, noong siya ay high school, ngunit ito ay hindi natuloy, dahil sa naging ‘encouragement’ sa kanya ng kanyang isang guro.

“kung titigil ka kasi gutom ka, lalo kang magugutom bukas, kung hindi ka mag-aaral; may pag-asa pa”, ang naging saad nga ng guro ni Jonny sa Filipino subject na si Mrs. Juliet “Jhet” Jimenez.

Sa tulong ng “words of encourangement” ni Mrs. Jimenez, ay pinili ni Jonny ang ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral, at upang mabawasan ang gutom na kanyang nararamdaman, ay nagdadala ang guro ng extrang pagkain para sa kanya.

Nang magtapos nga si Jonny sa high chool, kung saan ay nakakuha siya ng ikalawa sa pinakamataas na parangal, dahil siya ang naging salutatorian ng kanilang klase, ay hindi nagkaroon ng selebrasyon ang kanyang pamilya, kaya naman pumunta na lamang siya sa bahay ng isa niyang kaklase upang makisalo sa ginanap doon na graduation party.

At dahil sa hindi na nga kaya ng kanyang mga magulang na paaralin ang binata sa kolehiyo, dahil sa sobrang hirap ng buhay, ay napilitang huminto si Jonny, at magtrabaho, kung saan siya ay naging isang kargador.

Batid naman ng marami sa atin kung gaano kahirap ang trabaho ng isang kargador, ngunit wala lang umano ito kay Jonny, dahil ang talagang sakit at pagod na kanyang nararamdaman ay mula sa kanyang ego, kung saan ay tila nabigo siyang tuparin ang pangarap niyang maging matagumpay sa buhay, at ito nga ay dahil sa kanilang kahirapan.

“Tapos pag nakikita ko yung mga classmates ko noong high school nagtatago ako. Nagtatago ako sa hiya. Nahihiya ako kasi alam nila na mataas ang pangarap ko tapos nasa pantalan ako. Hindi ko ikinahihiya ang trabaho ko, pero sadyang nakakalungkot talaga kapag hindi mo naabot ang pangarap mo”, ang naging saad ng binatang si Jonny.

Sa kabilang banda, tunay nga naman na sa lahat ng pagsubok sa buhay, ay may Diyos na laging handang tumulong sa atin, at ito ay ginagawa niya sa pamamagitan ng mga mabubuting tao.

Hindi naman inakala ni Jonny, na may darating na isang magandang balita sa kanya, na magiging daan upang matupad niya ang mga pangarap niya sa buhay.

Isang araw nga ay muling naka-daupang palad ng kanyang ina, ang dati niyang guro sa Economics, dahil sa ito’y lumipat ng bahay na halos malapit lamang sa kanila. Ng malaman nga nito na ang binata ay nagtatrabaho sa pantalan, ay inanyayahan siya nito na magbalik sa pag-aaral, at maging isang working student.

Lubos naman ang naging kasiyahan ni Jonny, sa kanyang pagbabalik eskwela, kahit pa nga ba kinakailangan niyang pagsabayin ang trabaho at pag-aaral. Halos nasa 17km, ang nilalakad ni Jonny, mula paaralan patungong trabaho niya sa pantalan.

Ngunit ang mga ito’y hindi iniinda ng binata, ang masakit lang umano sa kanya, ay ang nararanasang pangmamaliit sa kanya ng ibang tao, kung saan ay sinasabihan siya ng mga ito na “kargador ka lang”.

Masakit man ang mga naririnig na pangmamaliit sa kanya, ay ginawa itong inspirasyon ni Jonny upang mas lalo pang pagbutihin ang kanyang pag-aaral. Hindi nagtagal ay nakapagtapos si Jonny sa kolehiyo, kung saan siya ay nakakuha ng mataas na karangalan na Magna Cum Laude sa kurso niyang Education.

Matapos makapasa, ay nagtrabaho bilang call center agent, upang matustusan ang kanyang pagrereview sa magiging LET exam, kung saan ay matagumpay niyang naipasa ang nasabing ‘board exam’ para maging isang ganap na guro.

Taong 2013, ay ganap ng guro sa DepEd si Jonny. Binigyan siya ng pagkakataon na muling ipagpatuloy ang pag-aaral, kung saan ay natapos niya ang kanyang Master of Arts in Education Major in Educational Management sa Don Honorio Ventura Technological State University.

Hindi pa nga dito nagtapos, dahil nagpatuloy pa si Jonny sa pagiging isang doktor ng edukasyon, kaya naman ngayon, ang dating minamaliit na isang ‘kargador’ ay isa ng proud na ‘Doctor of Education’.

Marami naman sa mga netizens, ang talagang na-inspire sa kwento ng buhay ni Dr. Jonny Viray!

Anong maidaragdag nyong papuri sa dating minamaliit na kargador noon, ngunit na challenge -nagsumikap at kalaunan ay naging doctor of education ngayon!

We love to hear your valuable thoughts! Just comment down your reaction.. Thanks

Continue Reading

Trending