Connect with us

lifestyle

Beauty Queen At F.A. Noon, Proud LPG Seller Muna Ngayon!

Tunghayan natin ang very inspiring na kwento ng isang dating laging laman ng paliparan at nang alapaap ngunit sinubok ng tadhana at bumagsak at naging hanapbuhay ay napunta sa lupa pansamantala dahil sa pandemya!

Published

on

CTTO Maurice Maureen Avila FB Post / Photo from Google

Beauty Queen At F.A. noon, proud LPG seller muna ngayon! Isang kakaiba at nakakatuwang kwento ng pagbangon kahit sa gitna ng kahirapan at epekto ng pandemya sa buong mundo nitong papatapos na buong taong 2020.

Tunghayan natin ang kanyang very inspiring na kwento:

Sa pagkakaroon ng pandemya saan mang panig ng mundo, ay malaki ang naging epekto nito sa buhay ng maraming tao. Ito ay hindi lang dahil sa pangamba na dulot ng nakakahawa at nakamamatay na sakit na ito, kundi maging sa naging dulot nito sa ekonomiya ng mga bansa kung saan ay maraming mga tao ang naghirap at nawalan ng trabaho.

Dahil nga sa pandemya ay marami ang nalugmok sa kahirapan, at marami sa mga may masaganang kabuhayan ang unti-unting bumagsak ang ikinabubuhay.

Ngunit dahil marami sa mga tao, ang likas na palaban at matapang na harapin ang anumang pagsubok ng buhay, ay marami pa rin sa atin ang nakapag-hanap ng paraan at gumawa ng kani-kanilang diskarte sa buhay upang mabuhay, lalo na para sa kanilang umaasang pamilya.

Marami man ngang pagsubok ang ibinigay ng taong 2020 sa atin, ay marami sa atin ang patuloy lang lumalaban at wala sa isipan ang pagsuko. At nakakatuwa ngang isipin, na sa kabila ng lahat ng pinagdaanan natin ngayong taon na ito, ay patuloy pa rin ang ating nagiging pagbangon, kung saan ang ilan pa nga ay nagsilbing inspirasyon sa kapwa.

Isa na nga sa mga ito, ay ang kwento ng buhay na puno ng inspirasyon ng isang dalaga na dating flight attendant at beauty queen, na naudlot ang maraming mga pangarap, dahil sa pagkakatanggal niya sa trabaho dulot ng epekto ng pandemya.

Ang dalaga ngang ito ay kinilalang si Maurice Maureen Avila, isa sa mga dating flight attendant ng Cebu Pacific Air, na nang dahil sa pandemya ay isa sa mga tinanggal ng nasabing kumpanya sa trabaho, matapos ang 3-taon nito sa pagiging isang flight attendant.

Dahil nga sa kakaunting “flights” ngayon sa iba’t ibang mga paliparan, ay marami sa mga kumpanyang ito ang nagawang magbawas ng tao, at isa na nga mga ito ay si Maurice.

Ngunit sa kabila ng naging pagkatanggal sa trabaho ng dalaga, ay hindi ito nawalan ng pag-asa, at mas pinili na maghanap ng ibang trabaho na magiging daan niya upang matulungan ang kanyang pamilya.

Ngayon nga ay proud ang dalaga sa kanyang bagong ikinabubuhay, kung saan ay malayong-malayo man ito sa pagiging isang flight attendant niya, ay hindi naman niya ito dapat ikahiya dahil sa marangal ang bago niyang trabaho ngayon.

Kung noon nga ay mga maleta ang hila-hila ng dalaga sa trabaho niya bilang flight attendant, ngayon ay proud siya na pagde-deliver at pagbebenta ng LPG ang kanyang ikinabubuhay.

Samantala, sa naging pagbababahagi nga ng dalaga sa kanyang Facebook account ay inamin nito, na noong una ay hindi naging madali sa kanya na tanggapin na hindi na siya isang flight attendant, ito ay matapos niyang matanggap ang 2nd wave of retrenchment mula sa Cebu Pacific noong ika-16 ng Oktubre.

“YES, I AM ALREADY UNEMPOYED. I AM NOT A FLIGHT ATTENDANT ANYMORE, AND I DON’T HAVE A WINGS ANYMORE.”

“It took me so long to accept and post this in social media. Madaming nagtatanong sakin pero hindi ko nirereplyan. Kase nahihiya ako. Kase feeling ko nag-fail ako sa buhay”, ang naging saad nga ng dalaga.

Dagdag pa ng dalaga, talagang dinamdam niya ng halos dalawang linggo ang pagkatanggal niya sa trabaho, kung saan ay hindi siya makakain at makatulog ng maayos. Umiiyak, araw man o gabi, at naitanong rin niya sa Diyos kung bakit kinailangan nitong kunin sa kanya, ang pinaghirapan niyang pangarap.

Ngunit makalipas ang ilang linggo, ay unti-unti ng natanggap ni Maurice ang nangyari, at na-realize na HINDI DAPAT IKAHIYA NA NATANGGAL KA SA TRABAHO.

Ibinahagi pa nga ni Maurice sa kanyang post na ito, ang kanyang mga larawan kung saan ang isa ay kuha noong flight attendant pa siya, at ang isa ay ang larawan niya ngayon sa paghahanap buhay bilang proud seller ng LPG.

Sa naging pagbangon ngang muli ng dalaga, matapos ang pagkalugmok dahil sa kanyang naudlot na pangarap, ay masaya niyang ibinahagi na sa kabila ng kanyang pinagdaanan ay hindi kailangan mawalan ng pag-asa. At hindi rin kinakailangan na pakinggan mo ang opinion ng iba, sa kung ano man ang buhay na tatahakin mo, matapos mong malugmok at matutunang bumangon.

“DISKARTE AT SAKRIPISYO ANG BUBUHAY SAYO AT SA PAMILYA MO. HINDI OPINYON NG IBANG TAO.”

Kahit pa nga ba malayo sa dating trabaho ang ikinabubuhay ngayon ni Maurice, ay sinabi nito, na hindi pa rin siya nawawalan ng pag-asa na muling lilipad ang kanyang pangarap, dahil muli siyang susubok na maging isang flight attendant kapag nagkaroon ng Grand Hiring para sa mga FA.

“Para sa mga gusto pa ring mag-FA kita kits tayo sa pila sa Grand Hiring. Sabay sabay tayong lilipad ulit! There is always hope and always keep in my mind that there is a light at the end of the tunnel. We will paint sky yellow, blue and red again! We will have our wings again.”

Pinasalamatan rin ng dalaga, ang dating kumpanya na kanyang pinagtrabahuan, kung saan ayon kay Maurice, ay malaki ang naitulong nito, sa buhay at pagkatao niya.

“Maraming salamat, Cebu Pacific. Binago mo ang buhay ko. Binago mo ang pagkatao ko. It was a pleasure to be on board. Thank you everyone.”

“Maurice Maureen Avila, Your Lead Cabin Crew 258240, Now signing off.”

Anong reaction nyo sa very inspiring na kwentong ito ng isang dating Flight Attendant at Beauty Queen, dahil sa pandemya ay na demote ngunit pilit bumabangon kahit proud LPG seller na lang muna pansamantala sa ngayon?

Just comment down beneath for your valuable thoughts regarding this issue.

Continue Reading
Click to comment

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply

lifestyle

Construction Worker Hinangaan – Nakapagpatayo Ng Dream House!

Gaano ba kahalaga ang pag iipon or pag-iimpok ng pera? Nararapat bang gawin ito ng bawat pamilya or ito’y hindi magandang kultura na dapat na lang kalimutan at iwasan?

Published

on

Construction Worker Hinangaan
Construction Worker Hinangaan - Nakapagpatayo Ng Dream House! / CTTO Kember Flores Casabuena FB Post / Photo from Google

Construction worker hinangaan – nakapagpatayo ng dream house! Ito ang napapanahong istorya na ating pagkukunan ng inspirasyon upang tularan ng ating mga kababayan.

Gaano ba kahalaga ang pag iipon or pag-iimpok ng pera? Nararapat bang gawin ito ng bawat pamilya or ito’y hindi magandang kultura na dapat na lang kalimutan at iwasan?

Alamin natin ang kasagutan sa ating kwentong itatampok:

Upang makapag-ipon dapat ang paggastos ay lagyan ng limitasyon at nararapat planuhin upang hindi mapunta sa walang katuturan ang paggamit ng pera. Since na sa buhay na ito ay di maiiwasan ang kalamidad, pagkakasakit at marami pang ibang pangailangan sa hinaharap kaya nahihimok tayong mag-ipon upang may magamit sa panahon ng pangangailangan.

Read Also: Mala-Resort Na Dream House Ni Coco, May Private Cinema?

Kagaya na lamang ng isang kwento ng mag-asawang nag-viral sa social media dahil sa kanilang kahusayan sa pag-iipon.

Perang naipon sa planado at determinadong pag iimpok na katas ng construction
Perang naipon sa planado at determinadong pag-iimpok na katas ng construction / Photo from Google

Ang mag-asawang ito ay sina Kember Flores Casabuena at kaniyang asawa na si Alphie Castante Olvis. Si Kember ay isa lamang maybahay at ang kaniyang asawa naman ay isang construction worker. Maliit lamang ang kinikita ni Alphie sa kaniyang pagco-construction ngunit hindi ito naging hadlang upang sila ay makapag-ipon.

Read Also: Naunang Medico-Legal Report: Nagpagulo Sa Dacera Case!

Sa bawat iniuuwing sahod ni Alphie ibinibigay niya ito agad kay Kember at talagang masinop si Kember at madiskarte sa buhay kahit nasa bahay lamang siya.

CTTO Kember Flores Casabuena FB Post
CTTO Kember Flores Casabuena FB Post / Photo from Google

Ang mag-asawa ay nagtitipid sa kanilang mga gastusin upang makaipon para sa kanilang pangarap na bahay. Ang mag-asawa ay nagtatabi ng pinaka maliit ay Php50 pesos bawat araw mula sa kanilang budget sa araw-araw.

Ang kanilang inipon ay inilalagay nila sa mga kahon ng sapatos kaya nung napuno na ito ay inilipat nila ang kanilang mga naipon sa isang balde. Sa loob ng ilang taong pag-iipon hindi namalayan ng mag-asawa na lumago na pala ang kanilang naipon na pera.

Kaya matapos nila itong bilangin ay pinost ito ni Kember sa kaniyang facebook at marami ang namangha sa kaniyang larawan.

Read Also: 10-taong batang babae patay sa Italy matapos sumali sa TikTok ‘blackout challenge’

CTTO Kember Flores Casabuena FB Post
CTTO Kember Flores Casabuena FB Post / Photo from Google

Ang kanilang mga naipon kasi ay hindi lamang Php50 pesos mayroon ding Php1000 pesos at Php500 pesos. Napahanga sa kanila ang mga netizens dahil sa naging sistema ng kanilang pag-iipon.

Ayon kay Kember, ang nagbigay sa kaniya ng inspirasyon upang mag-ipon ay ang “Ipon Challenge” sa isang kwento na ini-ere sa ‘Kapuso Mo Jessica Soho’.

Read Also: Espiritu Ni Christine – Told Psychic To Solve The Case?

Kaya ang kanilang naipon ay ginamit nila sa pag-papagawa ng sarili nilang bahay.

Perang naipon sa planado at determinadong pag iimpok na katas ng construction
Perang naipon sa planado at determinadong pag-iimpok na katas ng construction / Photo from Google

Ang mag-asawang ito ay isang patunay na hindi mahalaga kung gaano man kaliit o kalaki ang kinikitang pera upang makapag-ipon. Kung lalakipan ng tamang pagtitipid ang mga gastusin sa bawat araw ay siguradong may pangarap na matutupad. Walang imposible sa taong may determinasyon sa buhay upang mabigyan ng kulay ang mga iginuhit na pangarap.

Read Also: OFW, mala-pelikula ang mga napuntahang lugar dahil sa mabait na amo

Anong masasabi nyo sa kwentong ito? Nararapat bang tularan ang kanilang pamamaraan? Just leave your thoughts at the comment section below.. Thanks for your valuable time spent with us!

Continue Reading

lifestyle

Gasoline Boy Dream House – Come True? Kilalanin!

Halina’t kilalanin natin ang isang simpleng gasoline boy na nangarap at dahil sa determinasyon ay biniyayaan at ito’y nakamtan sa awa ng Maykapal.

Published

on

Photo from Google

Gasoline Boy dream house – come true? Kilalanin natin ang isang nakakapukaw inspirasyon sa kwento ng isang simpleng gasoline boy na nangarap at dahil sa determinasyon ay biniyayaan at nakamtan ang pangarap sa awa ng Maykapal!

Ang pagsisikap na maabot natin ang ating mga pangarap ay hindi madali, ngunit kung may determinasyon ka sa iyong sarili walang impossible na maabot ito. Lalo pa ngayon na mas nagiging mahirap ang buhay.

Kagaya na lamang ng isang gasoline boy na nakapagpatayo ng kaniyang pinangarap na bahay sa kakarampot niyang sahod sa bawat araw ng kaniyang pagtatrabaho. Kaya hindi aakalain na magagawa niya ito.

Ang gasoline boy na ito ay si Igue G. Varra, sa edad na 26 siya ay nakapagpatayo na ng kaniyang pinangarap na bahay. Ang pinangarap niyang bahay ay nagsimulang itayo noong March 2020 lamang at kasalukuyang may community lockdown.

Itong kaniyang pinagawang bahay ay naging usap-usapan sa social media kung saan umaabot na sa Php250,000 ang ginastos niya dagdag pa ang Php25, 000 para sa pagpapalagay niya ng mga grills at iron gate.

Ang bahay ni Igue ay may sukat na sahig na 22 ft x 24 ft, kung saan marami na ang pwedeng mailagay na mga gamit sa loob ng bahay. Hindi pa man ito natatapos, mukhang maganda na ang kakalabasan nito dahil sa napakaganda nitong disenyo.

Ang disenyo ng bahay ay napaka moderno kung saan meron itong 2 silid-tulugan at 1 banyo. Meron din itong magandang balkonahe sa harap na kanilang bahay, meron din itong isang magandang sala, at isang maliit na kusina na may daanan papunta sa likod ng kanilang bahay.

Ayon sa post, si Igue mismo ang gumawa ng floor plan ng kaniyang bahay kaya talagang maganda ito.

Ang kaniyang bahay ay malapit na ring matapos dahil meron na rin itong gate. Sa uri ng trabaho ni Igue hindi mo aakalain na siya ay makakaipon ng malaking halaga para sa kaniyang pinangarap na bahay.

Maraming mga netizen ang humanga sa kaniya dahil sa kaniyang pagiging matipid upang makabili siya ng sariling lupa at makapagpatayo ng kaniyang pinangarap na bahay.

Anong maidaragdag nyong reaction sa very inspiring na kwentong ating itinampok ngayon? Nais nyo bang masilayan ang Gasoline Boy Dream House na nagkatutoo? Just comment down below for your valuable thoughts regarding sa real life story na ito..

Continue Reading

lifestyle

Kilalanin Dating Kargador Noon, Doktor Ng Edukasyon Ngayon!

Hanap mo ba’y ibayong inspirasyon sa panahon natin ngayon? Tara na at alamin ang buong kwentong siksik sa inspirasyon at pampalakas ng loob na kwento ni Dr. Jonny!

Published

on

CTTO Dr. Jonny Viray / DepEd Open Educational Resources FB Post / Photo from Google

Kilalanin dating kargador noon, doctor of education na ngayon! Isang napapanahong kwento ng pag-asa lalo sa mga taong nakakaranas ng bullying mula sa mga kapamilya, kaibigan at mga kakilala!

Hanap mo ba’y sapat na inspirasyon? Tara at alamin natin ang kanyang buong kwento!

Tunay nga naman na kung ikaw ay may pangarap na maging maunlad sa buhay, ano pa mang hirap ang iyong pagdaanan at pangmamaliit mula sa iyong kapwa ang iyong maririnig, ay hindi ito ang magiging dahilan mo upang tumigil sa pagtupad ng panagarap mo.

Bagkus ay ito pa ang magiging motibasyon mo upang ipagpatuloy ang nasimulan, hanggang sa tuluyan ng maabot ang tagumpay ng buhay na iyong pinapangarap.

Isa nga sa mga halimbawa nito ay ang Doctor of Education na ngayon na si sir Jonny Viray, kung saan ay bago pa man niya naabot ang magandang propesyon niya sa buhay, ay marami siyang hirap at pangmamaliit na naranasan sa buhay.

Sa Facebook page ng DepEd Open Educational Resources (OER), ay ibinahagi nito ang puno ng inspirasyong kwento ng naging buhay ni Jonny Viray.

Ayon nga sa naging paglalahad ng buhay ni Jonny, mula ito sa isang mahirap na pamilya, na dahil sa sobrang kahirapan, ay hindi man lang nila naranasan ang magkaroon ng simple man lang na pagdiriwang sa kanilang tahanan, kahit pa ng aba si Jonny noon ay nakakakuha ng mga parangal sa eskwelahan.

Kahit nga umano ‘pancit’ ay hindi nila kayang bumili para kahit papaano ay pag saluhan kapag may okasyon o selebrasyon.

Noong elementary umano si Jonny, ay dalawang piso lamang ang kanyang baon tuwing papasok sa paaralan, kaya naman lugaw lang ang kaya niyang mabili.

Mas humirap pa nga ang sitwasyon ni Jonny pagdating niya sa highschool, dahil kahit lugaw ay hindi na niya kayang bilhin pa.

Samantala,si Jonny ay nag-aral ng highscool sa isang pang publikong paaralan sa Pampangga, kung saan ang matrikula lamang ay nasa P244 kada buwan, sa iba marahil ay napakamurang halaga nito, ngunit para sa pamilya ni Jonny na hikahos sa buhay, ay mahirap ng kitain ang ganitong halaga.

Dahil nga sa gutom, at halos walang makain sa kanyang naging pag-aaral, ay muntik ng magdesisyon si Jonny na tumigil na sa pag-aaral, noong siya ay high school, ngunit ito ay hindi natuloy, dahil sa naging ‘encouragement’ sa kanya ng kanyang isang guro.

“kung titigil ka kasi gutom ka, lalo kang magugutom bukas, kung hindi ka mag-aaral; may pag-asa pa”, ang naging saad nga ng guro ni Jonny sa Filipino subject na si Mrs. Juliet “Jhet” Jimenez.

Sa tulong ng “words of encourangement” ni Mrs. Jimenez, ay pinili ni Jonny ang ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral, at upang mabawasan ang gutom na kanyang nararamdaman, ay nagdadala ang guro ng extrang pagkain para sa kanya.

Nang magtapos nga si Jonny sa high chool, kung saan ay nakakuha siya ng ikalawa sa pinakamataas na parangal, dahil siya ang naging salutatorian ng kanilang klase, ay hindi nagkaroon ng selebrasyon ang kanyang pamilya, kaya naman pumunta na lamang siya sa bahay ng isa niyang kaklase upang makisalo sa ginanap doon na graduation party.

At dahil sa hindi na nga kaya ng kanyang mga magulang na paaralin ang binata sa kolehiyo, dahil sa sobrang hirap ng buhay, ay napilitang huminto si Jonny, at magtrabaho, kung saan siya ay naging isang kargador.

Batid naman ng marami sa atin kung gaano kahirap ang trabaho ng isang kargador, ngunit wala lang umano ito kay Jonny, dahil ang talagang sakit at pagod na kanyang nararamdaman ay mula sa kanyang ego, kung saan ay tila nabigo siyang tuparin ang pangarap niyang maging matagumpay sa buhay, at ito nga ay dahil sa kanilang kahirapan.

“Tapos pag nakikita ko yung mga classmates ko noong high school nagtatago ako. Nagtatago ako sa hiya. Nahihiya ako kasi alam nila na mataas ang pangarap ko tapos nasa pantalan ako. Hindi ko ikinahihiya ang trabaho ko, pero sadyang nakakalungkot talaga kapag hindi mo naabot ang pangarap mo”, ang naging saad ng binatang si Jonny.

Sa kabilang banda, tunay nga naman na sa lahat ng pagsubok sa buhay, ay may Diyos na laging handang tumulong sa atin, at ito ay ginagawa niya sa pamamagitan ng mga mabubuting tao.

Hindi naman inakala ni Jonny, na may darating na isang magandang balita sa kanya, na magiging daan upang matupad niya ang mga pangarap niya sa buhay.

Isang araw nga ay muling naka-daupang palad ng kanyang ina, ang dati niyang guro sa Economics, dahil sa ito’y lumipat ng bahay na halos malapit lamang sa kanila. Ng malaman nga nito na ang binata ay nagtatrabaho sa pantalan, ay inanyayahan siya nito na magbalik sa pag-aaral, at maging isang working student.

Lubos naman ang naging kasiyahan ni Jonny, sa kanyang pagbabalik eskwela, kahit pa nga ba kinakailangan niyang pagsabayin ang trabaho at pag-aaral. Halos nasa 17km, ang nilalakad ni Jonny, mula paaralan patungong trabaho niya sa pantalan.

Ngunit ang mga ito’y hindi iniinda ng binata, ang masakit lang umano sa kanya, ay ang nararanasang pangmamaliit sa kanya ng ibang tao, kung saan ay sinasabihan siya ng mga ito na “kargador ka lang”.

Masakit man ang mga naririnig na pangmamaliit sa kanya, ay ginawa itong inspirasyon ni Jonny upang mas lalo pang pagbutihin ang kanyang pag-aaral. Hindi nagtagal ay nakapagtapos si Jonny sa kolehiyo, kung saan siya ay nakakuha ng mataas na karangalan na Magna Cum Laude sa kurso niyang Education.

Matapos makapasa, ay nagtrabaho bilang call center agent, upang matustusan ang kanyang pagrereview sa magiging LET exam, kung saan ay matagumpay niyang naipasa ang nasabing ‘board exam’ para maging isang ganap na guro.

Taong 2013, ay ganap ng guro sa DepEd si Jonny. Binigyan siya ng pagkakataon na muling ipagpatuloy ang pag-aaral, kung saan ay natapos niya ang kanyang Master of Arts in Education Major in Educational Management sa Don Honorio Ventura Technological State University.

Hindi pa nga dito nagtapos, dahil nagpatuloy pa si Jonny sa pagiging isang doktor ng edukasyon, kaya naman ngayon, ang dating minamaliit na isang ‘kargador’ ay isa ng proud na ‘Doctor of Education’.

Marami naman sa mga netizens, ang talagang na-inspire sa kwento ng buhay ni Dr. Jonny Viray!

Anong maidaragdag nyong papuri sa dating minamaliit na kargador noon, ngunit na challenge -nagsumikap at kalaunan ay naging doctor of education ngayon!

We love to hear your valuable thoughts! Just comment down your reaction.. Thanks

Continue Reading

Trending