Connect with us

viral

Ama 25 Yrs Nawala, Himalang Nakita Ng Anak Na Litratista!

Ating tunghayan ang kanilang makabagbag damdaming kwento ng tutoong buhay.

Published

on

CTTO NBC News / Photo from Google

Ama 25 yrs nawala, himalang nakita ng anak na litratista! Sa patnubay ng langit ay nagkita at nagkatagpo ang mag-amang matagal na panahong pinagwalay ng pagkakataon. Ating tunghayan ang kanilang makabagbag damdaming kwento ng tutoong buhay.

Naniniwala ka ba sa tadhana? Tadhana na kung saan sa tamang panahon ay malalaman mo ang sagot sa mga tanong na nanatiling kwestyon sa iyong buhay?

Katulad na lamang ng isang babaeng photographer at law student na si Diana Kim, 30 years old ng O’ahu, Hawaii.

Si Diana ay may malungkot na kwento sa kaniyang nakaraan. Bata pa lamang nang siya’y nawalay sa kaniyang ama. Huling beses niyang nakita ito noong siya ay sumapit ng ika-limang kaarawan.

Nawalan ng komikasyon sa isa’t isa at hindi malaman kung saan naroroon hanggang sa nabalitaan niyang nawala na ito sa tamang pag-iisip ngunit hindi matukoy kung saan ito tumutuloy.

Bata pa lamang ay sumasabak na siya sa mga photo essay patungkol sa mga walang matirhan at mga pulubi sa daan. Hindi nagtagal ay ginawa niya na itong proyekto at adbokasiya.

Sinimulang idokumento ni Diana ang mga pulubi sa kanilang lugar pagkat gusto niyang kilalanin at alamin ang talagang araw araw na pamumuhay ng mga pulubi.

Ngunit sa di inaasahang pagkakataon, sa ganitong paraan niya pala muling masisilayan ang kaniyang nawawalang ama.

Habang tinitingnan ang mga larawang nakuha, may isang matandang lalaki ang pumukaw sa kaniyang mga mata na tila ba’ý pamilyar sa kaniya.

Nang tinitigang mabuti, napag-alaman niyang ito ang kaniyang nawawalang ama ng halos 25 na taon nang nakakalipas.

Binalikan ni Diana ang ama sa naturang lugar. Kay bigat ng kaniyang nararamdaman ng mga oras na yon habang tinitingnan ang amang nangangarirang sa payat, marumi at wala sa tamang pag iisip.

Nang kaniyang tanungin, hindi ito sumagot at ang pinaka masakit ay hindi siya kilala ng sarili niyang ama.

Isang babae ang nagmagandang loob upang sabihin kay Diana ang kalagayan ng kaniyang ama na ilang araw na daw itong nakatayo at hindi kumikilos.

Halos araw araw niyang binabalik balikan ang kaniyang ama, kinakausap at inaalok na baka sakaling tugunin ang kaniyang pagtulong.

Noon din ay nalaman niyang may iniindang matinding sakit ang kaniyang ama na tinatawag na schizophrenia at madalas makipagtalo at kausapin ang kawalan.

Inatake sa puso ang kaniyang ama at laking pasasalamat niya sa mga taong nagbigay ng kanilang oras upang tawagan ang mga opisyal na nagdala sa kaniyang ama sa ospital.

Simula noon, nagamot ang kaniyang ama hindi lamang sa kaniyang pangangatawan kundi pati na rin sa kaniyang pag-iisip.

Unti unting bumalik sa dati ang kaniyang ama. Kasabay noon ang muling pagbangon kasama niya ang kaniyang buong pamilya. Hindi sumuko si Diana sa kanilang sitwasyon. Laking pasasalamat niya at muling natagpuan ang kaniyang ama.

“So long as we are alive in this world, every day is an opportunity to take hold of that ‘second chance.’ There is no failure unless you give up, and he never gave up. And I haven’t given up on him.”, ani Diana Kim.

Anong reaction nyo dito sa heart touching na paglalahad ng isang himala at sinong mag-aakala na ang isang Ama na 25 yrs nawala ay matatagpuan pa at makakasamang muli ng ating bida? I-contribute nyo lang po sa ibaba ang inyong mahalagang saloobin sa very inspiring na kwentong ito.. Maraming Salamat po sa muling pagtangkilik ng ating mga kwento..

Continue Reading
Click to comment

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply

viral

Batang Nagtitinda Ng Mansanas, Viral Sa Socmed? Alamin!

Ating alamin ang dahilan kung bakit biglang nag viral ang ating bidang magtitinda ng mansanas! Anong meron?

Published

on

CTTO Naraplap FB Post / Photo from Google

Batang nagtitinda ng mansanas, viral sa socmed? Alamin natin ang dahilan kung bakit siya biglang nag trending? Meron bang kakaiba sa kanyang ginagawa at sinasabi?

Narito ang kanyang kwento:

Sa hirap ng buhay ngayon, ay makikita natin na kahit mga kabataan, ay nagagawa ng magbanat ng buto sa mura nilang edad, upang matulungan lamang ang kanilang mga magulang, at malagyan ng makakain ang sikmura nilang kumakalam.

May iba naman na kaya nagagawang magtrabaho sa kabila ng napakabata pa nilang mga edad ay dahil sa nais nilang matustusan ang kanilang pag-aaral, na hindi kayang matustusan ng kanilang mga magulang dahil sa sobrang kahirapan ng buhay.

Kung atin nga namang iisipin ay talagang napakahirap ng kanilang kalagayan, dahil sa kanilang murang edad, ay dapat paglalaro at pag-aaral lamang ang kanilang ginagawa at hindi ang buhay na puno ng mga problema.

Samantala, sa kabila nito, ay kahanga-hanga rin naman ang mga ganitong kabataan, dahil sa kanilang murang edad, ay alam na nila kung paano pahalagahan ang perang kanilang pinaghihirapan at kung paano maging responsableng anak na tumutulong sa kanilang mga magulang.

Isa na nga sa mga halimbawa nito ay ang batang na-videohan ng isang netizens, na nagtitinda ng mansanas.

Sa naturang video, ay makikita ang kasipagan ng bata, at ang pagiging determinado nito na kumita ng pera sa pamamagitan ng pagbebenta niya ng mansanas, at hindi dahil sa siya’y binibigyan lamang ng parang limos.

Ayon sa naging post ng netizen sa Facebook, na may account name na Naraplap, ay inaabutan at binibigyan na lamang umano nila ng pera ang batang nakita nila na nagtitinda ng mansanas, ito ay dahil sa ayaw nila ng mansanas, at ang nais lamang ay mabigyan ng tulong ang nasabing bata.

Ngunit hindi umano tinanggap ng bata ang pera, dahil mas gusto umano nito, na maubos ang kanyang ibinebentang mansanas, para makauwi na siya, kaysa ang bigyan lamang siya ng mga ito ng pera. Dahil dito, ay nagawa na lamang bumili ng netizens ng mansanas sa bata, kapalit ng pera na ibinibigay niya .

Narito nga ang nakamamanghang naging pag-uusap ng netizens na si Naraplap at ang batang nagtitinda ng mansanas;

“Kaya nga po kayo bumili para kainin niyo”, saad ng bata.

“Parang nagbigay lang din po kayo ng pera”, ang naging dagdag pa nga nito.

“Sayo na lang yan, ibigay mo na lang sa kapatid mo”, ang naging tugon naman ni Naraplap sa bata.

“Dapat po kung ano pong binili tanggapin na lang po kasi sayang po ang pera eh”, ang naging mariin ngang sambit ng bata kay Naraplap, upang kunin nito ang mansanas kapalit ang perang ibinibigay niya rito.

Sa ginawa ngang ito ng bata, ay nakitaan siya ng kamangha-manghang ugali ng mga netizens, na ikinabilib at ikinatuwa ng mga ito.

Anong sey nyo sa kwentong ito? Just comment down beneath for your valued reaction in this regard. Many Thanks..

Continue Reading

viral

Dedikasyon Ng Isang Guro Hanggang Sa Huling Sandali!

Tunghayan natin ang nakakaantig na kwento ng isang guro sa kanyang dedikasyon sa trabaho hanggang sa huling hininga ng kanyang buhay..

Published

on

CTTO Sandra Venegas FB Post / Photo from Google

Dedikasyon ng isang guro hanggang sa huling sandali ang ating itatampok na kwentong hinangaan at nais tularan ng may tutoong pagmamalasakit at may passion na makapaglingkod sa kapwa..

Ang pagiging isang guro, ang propesyon na maituturing natin na may pinakamalaking ambag sa ating lipunan. Ito ay dahil kung wala ang ating mga guro, ay walang enhinyero, doktor, nars, arkitekto, o kung ano pa mang matataas na propesyon, na kinakailangan ng matibay na pundasyon ng edukasyon.

Tunay ngang ang dedikasyon na ibinibigay ng isang guro, para makapagbigay ng maayos na edukasyon sa kanyang mga mag-aaral, ay punong-puno ng sakripisyo. Dahil sa mas mahaba ang ibinibigay nilang oras sa kanilang trabaho, at maging pagdating sa bahay, imbis na pamilya ang aatupagin, ay uunahin munang gawin ang mga paperworks, o iba pang naiwang gawain na hindi natapos sa paaralan.

Samantala, kamakailan nga lamang ay isang anak, ang nagbigay pugay sa kanyang ama na isang guro, ito ay dahil sa pinatunayan ng kanyang ama, kung gaano kalaki ang dedikasyon nito sa kanyang propesyon, at kahit sa huling sandali ng buhay nito, ay ang pagiging isang guro pa rin niya ang kanyang pinairal.

Kamakailan nga lamang, ay binigyang pagpupugay ni Sandra Venegas, ang kanyang amang si Sir Alejandro Navarro sa social media. Ayon nga kay Sandra, sa huling sandali ng buhay ng kanyang ama, ay pinairal at ipinakita pa rin nito ang pagiging isang guro.

Ayon pa nga kay Sandra, araw ng Lunes ng huli niyang makita ang kanyang ama, at ng mga sandaling umano na iyon, ay abala ito, na nakatutok sa kanyang laptop, at nag-eencode ng grades ng mag-aaral nito. Kung alam lang umano nito, na iyon na ang huling sandali na makikita niya ang kanyang ama, ay ginawa niya sanang isara ang laptop nito, upang nasulit niya ang mga sandali na ito’y makasama pa.

Pagpapatuloy nga ni Sandra, hindi nga naman biro ang oras na iginugugol ng ating mga guro , upang magampanan ng maayos ang kanilang propesyon, at kahit pa may [email protected]@ ay tuloy pa rin ang pagbibigay serbisyo nila sa bawat mag-aaral.

Nagbigay payo rin si Sandra, sa mga mayroong kapamilyang guro, na tulungan ang mga ito na mag-set ng boundaries, at huwag hayaan na trabahuin pa pagdating sa bahay ang mga school-related works.

Makikita rin sa nag-viral na post na ito ni Sandra, ang naging pagpapahayag niya, kung gaano niya nami-miss ang kanyang yumaong ama, na isang guro.

Marami namang mga netizens, ang nagpa-abot ng kani-kanilang respeto, at paghanga sa dedikasyon na ipinakita ng ama ni Sandra, sa propesyon nito bilang isang guro.

Nilinaw naman ni Sandra, na ang kanyang amang guro, ay hindi yumao dahil sa C0V!d 19, o kung ano pa mang karamdaman na related dito.

Anong masasabi nyo sa viral na kwentong ito? Nararapat bang tularan si sir sa kanyang dedikasyon sa trabaho? May napulot ba kayong gintong aral sa isyung ito? Comment nyo lang po sa ibaba ang saloobin nyo.. Salamat po sa patuloy na pagtangkilik..

Continue Reading

lifestyle

Kasambahay Noon, Donya Na Ngayon? Alamin!

Ating alamin ang timely story ng matagumpay na mahusay na negosyante na dating kasambahay pala lamang!

Published

on

CTTO May Puhunan Episode ni Karen Davila / Photo from Google

Kasambahay noon, Donya na ngayon? Ito ang napapanahong kwento na magbibigay inspirasyon sa atin na hindi hadlang ang kalagayan at sitwasyon sa buhay upang magtagumpay sa bawat larangang ating paninindigan basta may bitbit lamang ng sapat na determinasyon.

Isang kwento na puno ng inspirasyon ang hatid ng dating kasambahay matapos mabago ang buhay at naging matagumpay dahil sa pagnenegosyo. Siya nga si Charina Bitas o Cha na nakaranas ng hirap at pagsubok sa buhay bilang kasambahay bago tuluyang nasumpungan ang inaasam na tagumpay. Ito nga ay matapos niyang madiskubre ang tamang produkto na kanyang ibebenta, na magpapabago ng kanyang buhay.

Sa episode noong Oktubre 2, 2019 ng programang “May Puhunan” ni Karen Davila, ay nagbigay ng inspirasyon si Cha nang ibahagi ang kanyang kwento ng tagumpay.

Si Cha ay isang dating kasambahay na nagmula sa Bohol, at nanirahan sa Laguna upang kumita ng pera para makatulong sa pamilya. Nagpasya ang kanyang mga magulang na tumira sa isang squatter sa Laguna, sa pag-aakalang aayos ang kanilang buhay. Ngunit, dahil ang kanyang ama ay isang karpentero, samantalang ang ina naman ay kasambahay, ay hindi ito nangyari. Kaya naman, upang makatulong sa mga magulang ay namasukan rin bilang isang kasambahay si Cha.

At ang trabaho niya bilang kasambahay ang naging daan upang makilala niya ang kanyang asawa na manager ng isang kompanya, at may-ari ng lending business. Ngunit, sa kasamaang-palad ang kanilang lending business ay nalugi, na kung saan ang mga kliyente ay hindi na nagbayad ng kanilang utang.

Hindi nga halos matanggap ni Cha ang paglubog ng kanilang lending business at nagdulot ito sa kanya ng matinding stress. Dahil nga sa stress,  tinubuan siya ng freckles at pimples sa kanyang mukha. Hanggang sa ito nga ay dumami ng dumami, na nagdala lalo sa kanya ng kalungkutan.

Kaya naman, sumangguni siya sa kanyang kapatid na sabihin sa kanya ang sikreto nito upang mapanatiling bata at maganda ang mukha nito. Sa unang gamit ng naturang sabon, ay umepekto ito sa kanya at agad niyang nagustuhan ang produkto. Kaya naman, naisip niyang magnegosyo ng beauty products.

At nang magkaroon na nga ng sariling brand ng beauty products, ay inaalok niya ang lahat ng kanyang kakilala. Nagsumikap rin siyang maghanap ng mga taong maaaring bumili ng kanyang produkto. Hindi siya tumigil, at ginawa ang lahat upang makilala at maging mabenta ang kanyang produkto.

Hindi nga nagtagal, ang kanyang hirap at pagsisikap ay nagbunga ng tagumpay. Mula sa kanyang beauty products, ay kumita siya ng malaki kung saan ay nakapagpatayo siya ng sariling bahay, at nabili rin ang lahat ng naisin niya.

Nang mapanood nga ang kwento ni Cha sa telebisyon ay marami ang nabigyan ng inspirasyon na magsimula sa pagnenegosyo. Marami ang humanga sa diskarte at kasipagan ng dating kasambahay, na ngayon nga ay malaki na ang ipinagbago ng buhay bilang isang matagumpay na negosyante.

Anong reaksyon nyo dito sa kwentong dating kasambahay na naging inspirasyon ng social media at talaga namang kapupulutan ng gintong aral?

Just comment down below for your valuable inputs regarding this significant story. Have a nice day!

Continue Reading

Trending