Connect with us

trending

Biyaya sa Ika-15 Anak, Bakit Kaya? Alamin!

Alamin natin ang kahulugan ng sinasabing blessing daw diumano ang pang 15 anak nila?

Published

on

Photo from Google


Biyaya sa ika-15 anak, bakit kaya? Anong mayroon sa ika-15 na anak ng mag-asawang taga Michigan na dati ng nagtrending dahil itinuturing itong mayaman sa supling ng gobyernong America..

Talaga namang pinag-usapan ang mag-asawang ito sa Michigan, paano ba naman napakarami nilang anak, kung saan ang bilang nito ay 14 na mga lalaki, at ngayon nga ay nadagdagan pa ito, dahil sa nagsilang muli ang ina ng pamilya, nang pang 15 niyang anak, ngunit sa pagkakataon na ito, ay isa na itong babae.

Matatandaan na noon ay pinag-usapan at naipalabas pa sa telebisyon ang mag-asawang Michigan na sina Jay at Kateri Schwandt, ito ay dahil nga sa napakarami nilang mga anak, dahil sa ito’y labing apat na puro lalaki.

At ngayon nga ay muling napag-usapan online ang mag-asawa, matapos nilang ibahagi sa publiko, ang naging pagsilang ni Kateri sa kanilang ika-15 na anak, na hindi nila inaasahan na magiging babae na.

Ayon nga kay Jay, ang taon na ito para sa kanilang pamilya, ay talaga namang puno ng saya ay excitement, ngunit ang pinakamagandang pangyayari umano sa kanilang pamilya ngayong taon, ay ang naging pagsilang ng kanyang asawa, sa kauna-unahan nilang anak na babae, na pinangalanan nilang si Maggie Jayne.

“We are overjoyed and beyond excited to add Maggie Jayne to our family”, saad nga ni Jay, ang ama ng pamilya na ang edad ay 45-taong gulang.

“This year has been memorable in so many ways, for so many reasons, but Maggie is the greates gift we could ever imagine”, dagdag pa nga nito.

Para naman sa panganay na anak ng mag-asawa na si Tyler Schwandt, 28-taong gulang, ay talaga namang napaka-blessed ng kanyang mga magulang, dahil sa wakas, ay nagkaroon na ang mga ito ng baby girl.

“My parents were, finally blessed with little girl they never thought they’d end up having”, ang naging saad nga ni Tyler sa panayam ng Detroit Free Press. 

Maliban nga sa nag-iisang anak na babae nina Jay at Kateri at sa panganay nilang si Tyler, ay mayroon pang anak na labing-tatlo (13) na lalaking anak ang mag-aswa, ito ay sina Zach, Drew, Brandon, Tommy, Vinny, Calvan, Gabe, Wesley, Charlie, Luke, Tucker, Francisco at Finley.

Ang bunsong anak na lalaki ng mag-asawa na si Finley, na sinundan  na ni baby Maggie Jayne, ay mag 3-taong gulang na din sa darating na Abril 2021.

Samantala, dahil nga sa puro lalaki ang mga nauna ng mag-asawa, at sa pag-aakala ng mga ito na lalaki muli ang kanilang magiging anak, ay talagang hindi sila naging handa, sa pagdating ng isang baby girl, kung saan ay wala silang anumang gamit na para kay baby Maggie Jayne.

Inamin naman ni Kateri, na hindi nga ganun kadali maging magulang ng isang malaking pamilya at maraming mga anak, dahil nandyan talaga yung sobrang ingay, kalat, at kakulitan ng kanyang mga anak, ngunit hindi umano matutumbasan ang kasiyahan nilang mag-asawa tuwing nakikita ang kanilang napakaraming mga anak.

Anong masasabi nyo sa itinuturing nilang biyaya sa Ika-15 anak? Mayroon ba kayong alam na ganitong kwento? Just comment down below your thoughts tungkol sa ganitong isyu..

Continue Reading
Click to comment

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply

omg

Special Leche Flan Ang Sa Kanya Ay Nagpayaman! Kilalanin!

Nais nyo bang magtagumpay kahit dumaan sa maraming kabiguan? Halina’t tunghayan ang very inspiring na kwento ng ating bida na naging donya dahil sa special leche plan!

Published

on

Special Leche Flan
Special Leche Flan Ang Sa Kanya Ay Nagpayaman! / CTTO Princess San Diego - WYF Leche Flan Store / Photo from Google

Special Leche Flan ang sa kanya ay nagpayaman! Kilalanin natin at hangaan ang ating bida para tularan ang kanyang diskarte kasama ng sipag at tiyaga para makamit minimithing tagumpay sa ating mga buhay.

Dahil sa kinahaharap natin na pandemiya ngayon, marami sa ating kababayan ang nawalan ng mga trabaho.

Labåg man sa loob ng mga kompanya ang magbawas ng empleyado ngunit walang magawa ang ilang kompanya kundi gawin ito dahil na rin sa kakulangan ng pondo dahil sa pagkalugi, kinakailangan na rin nilang gawin ito para kahit papaano ay hindi sila magsarado.

Kaya naman ang iba sa atin na nawalan ng trabaho ay napilitang maghanap nang pagkaka-kitaan o kaya naman ay dumiskarte para makaraøs.

Hindi naman ito naging madali sa iba nating kababayan na humanap ng ibang pagkakakitaan ngunit mayroon pa din naman na sa kanilang pagtitiyaga ay nagtagumpay.

Read Also: Top 10 Richest Filipino Celebrities in 2020 and their net worth !

Katulad na lamang ng Pinay na si Princess San Diego.

Ayon sa nalaman namin kay Princess halos lahat na daw ng negosyo ay napasok niya. Nakapag benta na daw siya ng mga “gadgets” online, nagbantay na rin daw siya sa isang ihawan ng barbecue, at maging ang magbukas ng sariling kainan ay nagawa na rin niya ngunit ayon sa kanya lahat iyon ay hindi pinalad magtagumpay.

Taong 2016 ng ito ay kanyang maranasan lagi palpak ang kanyang ginagawang negosyo ngunit kahit siya ay pagod na pagod na ay nanatili pa rin siyang positibo sa buhay.

Noong mga panahon daw na iyon ay nakahiligan niyang gumawa ng mga masasarap na minatamisan o kung tawagin ay “desserts” at ito ay ibinabahagi niya online.

Nakikita ito ng kanyang mga kaibigan kaya naman marami dito ang nagtatanong tungkol sa mga desserts na ginagawa niya kaya naman naisipan ni Princess na gawin itong negosyo.

Read Also: Higanteng Perlas Sa Pilipinas: Mula Sa Palawan? Alamin!

Nagsimula daw siya sa halagang Php1,000 na puhunan kung saan nakagawa siya ng 25 na piraso na tin can matcha-flavored leche flan.

Special Leche Flan Ang Sa Kanya Ay Nagpayaman!
Special Leche Flan Ang Sa Kanya Ay Nagpayaman! / Photo from Google

Ang kada piraso daw ay binebenta niya ng Php150 at ito ay mabenta daw at agad naman na nauubos. Wala pa daw isang linggo ay naging triple na agad ang kayang puhunan.

Kwento pa ni Princess ay maraming tumatangkilik sa kaniyang produkto kaya naman awa daw ng Diyos ay kumikita na siya ng Php20,000 sa loob lamang ng isang linggo.

Read Also: Mala-Resort Na Dream House Ni Coco, May Private Cinema?

Dagdag pa niya ay para daw hindi magsawa ang kaniyang mga mamimili ay gumagawa siya ng ibang mga “Flavors” katulad daw ng mga coffee milk tea, Tiramisu, Peruvian flavored flan, Dalgona avocado gelato, Caramel. At ang isa pa daw na patok na patok sa kanyang mga mamimili ay ang isang tin can na ang laman ay ibat-ibang flavor.

Special Leche Flan Ang Sa Kanya Ay Nagpayaman!
Special Leche Flan Ang Sa Kanya Ay Nagpayaman! / tin can na ang laman ay ibat-ibang flavor / Photo from Google

Kaya kahanga-hanga naman talaga si Princess, sa kabila ng maraming beses na pagkabigo ay hindi siya sumuko at nanatiling positibo ang pananaw at prinsipyo sa buhay.

Read Also: Naunang Medico-Legal Report: Nagpagulo Sa Dacera Case!

Sa kasalukuyan sa dami ng kaniyang napagtagumpayan, ay isa na siyang ganap at proud Successful Filipina Entrepreneur!

Sana ay tularan ito ng iba nating kababayan na nakakaranas din na mabigo. Lagi mo lang isipin na sa kabila ng kabiguan ay may tagumpay na kinabukasan basta magpatuloy lang at lumaban sa hamon ng buhay.

I am a Proud Filipina Entrepreneur, a Happy Wife married to the most Handsome & Loving Man living on Earth, a Car Enthusiast (i love bimmers!), A Furparent (I have 3 beautiful healthy furbabies – Boston / Stacey & Emily), An Aspiring Chef (Now but a Bad Cook back then), A Motivational Speaker, An OFW Advocate (Used to be an OFW), A Charity Worker (eversince) and a very Hardworking CEO who proudly shares a humble Success Journey from 14 Business failures and Humble Beginnings to now a World Class Awarded Business with over 100 Franchise (HomeBased) nationwide. 🇵🇭

Read Also: 10-taong batang babae patay sa Italy matapos sumali sa TikTok ‘blackout challenge’

I am a proud member of the International Franchise Association (USA / Worldwide). Recognized by the Philippine Franchise Association, Philippine Chamber of Commerce & Industry Member and the IHFA Founder.

Special Leche Flan Ang Sa Kanya Ay Nagpayaman!
Special Leche Flan Ang Sa Kanya Ay Nagpayaman! / Photo from Google

I am grateful to be chosen as a partner of MY San Grahams / Monde Nissin with a recent commercial in youtube gaining an over 3Million views and almost 2M Views engagement on Facebook.

I am Internationally and locally mentored by the Franchising Giants / Brands CEOs worldwide.

(President & CEOs Of Subway / Anytime Fitness / Cali Burger / Wendy’s PH, Potato Corner, Hewlett Packard and More!!)

Read Also: Espiritu Ni Christine – Told Psychic To Solve The Case?

I have undergone International Emerging Franchisors Bootcamp / Sessions and Certified Franchise Executive Programs in USA.

My Company is DTI Registered NATIONWIDE under the name WYF Leche Flan Store.

And is under TRADEMARK / Intellectual Property of the Philippines for 10 years!

I am the First ever Filipina who won and was included in the Top 3 Finalists and now the 1st Runner Up with only 1% difference from the Top Winner in the recent International Next Gen in Franchising Competition in USA of which i pitched on front of 4,000 Audience / Entrepreneurs all over the world! Competed against Thousands of International Entrepreneurs.

I am recognized by the Philippine Franchise Association and Franchise Asia Philippines’ Chairmans / Founding Directors. I was awarded the “NextGen In Franchising Philippines 1st Place at Franchise Asia 2018.”

Competed against hundreds of entrepreneurs Locally.

Read Also: OFW, mala-pelikula ang mga napuntahang lugar dahil sa mabait na amo

My humble growing company is now the No1 and Pioneer in the Flavored Leche Flans Business in the country going 3 successful years with more than 70 Media Features Local and International and over 15 Awards of Excellence received (Best Dessert Business / Best Dessert Concept / No1 Dessert Business and so on).

I strongly believe in Innovation and Success.

My business system is recognized by the IFA (USA) and it was originally created and studied by yours truly.

I am a Pastry Chef, a Resident Resource Speaker of CCA Manila and the currently appointed Marketing & Communications Chair of the American Culinary Federation (Manila Chapter). With that being said, i can professionally create and continue innovating our all time favorite LECHE FLAN for my business and to add more mouthwatering desserts for us here and abroad!

Received an Award as “The Best Business Concept in 2019” all over the world based on the recent award / ranking in the International Next Generation Franchising Competition.

Voted Top 2 overall with a 1% different to tie the winner from Australia.

“My 14 failed businesses taught me so much and so i was able to come up with a system that is easily scalable. We are the first to offer this business system in the country and we are working on our international expansion this year along with putting up of several commissaries to cater the wide market and demand. We are hands on with our Franchisees and making sure the business will be handled well by everyone.”

Read Also: Magkapatid Iisa Lang Mister Sa Agusan Del Sur? – Nag-Viral!

Anong maidaragdag nyo sa very inspiring na istoryang ito? Just leave your comment down below and let’s have some convo.. Thanks for your invaluable time spent with us!


Continue Reading

omg

Higanteng Perlas Sa Pilipinas: Mula Sa Palawan? Alamin!

Alamin natin ang buong kwento nang ipinagmamalaking higanteng perlas na acknowledge ng “Guinness book of world records” at mababasa rin sa “Ripley’s believe it or not”.

Published

on

Higanteng Perlas Sa Pilipinas
Higanteng Perlas Sa Pilipinas: Mula Sa Palawan? Alamin! / Photo from Google

Higanteng Perlas sa Pilipinas: mula sa Palawan? Alamin natin ang buong kwento ng ipinagmamalaking higanteng perlas na acknowledge ng “Guinness book of world records” at mababasa rin sa “Ripley’s believe it or not”.

Hindi na lingid sa kaalaman ng lahat na ang mga perlas ay mayroong katumbas na halaga. Karamihan ay matatagpuan sa loob ng talaba at mga clams.

Ang mga perlas ay nag iisang uri ng hiyas sa mundo na nabubuo at lumalaki sa loob ng isang buhay na organismo. Karamihan ay matatagpuan sa loob ng mga talaba, ngunit hindi gaanong matatagpuan ang mga ito sa mga clam. Ito ang dahilan kung bakit mas mahirap madiskubre ang mga ganitong uri ng perlas.

Read Also: Mala-Resort Na Dream House Ni Coco, May Private Cinema?

Pearl of Orient ang tawag sa Pilipinas na hinango sa salitang Espanyol na Perla De Oriente o Perla Del Mar De Oriente.

Taong 1751 nang nagmula ang ideya ito sa isang Spanish Jesuit Missionary na si Fr. Juan J. Delgado.

Ibinigay ang pangalang “Pearl of Lao Tzu” o “The Pearl of Allah” ayun sa kwentong nasa likod nang matagpuan sa Pilipinas ang pinakamalaking perlas na nasusulat sa kasaysayan ng buong mundo taong 1934.

Kasalukuyan pa ding nasa kamay ng Palawan sa Pilipinas ang tinaguriang Pearl of Lao Tzu.

Sampung taon na ang nakalipas nang isang hindi nakilalang mangingisda ang nakatagpo ng higanteng perlas sa baybayin ng Palawan Island.

Sayang nga lang at wala siyang kahit anong ideya patungkol sa kapalit na halaga ng kaniyang nakita.

Imbis na ibenta ay ginawa niya na lamang itong palamuti at lucky charm sa kaniyang kahoy na bahay. At sa loob ng sampung taon ay itinago nya lang ito sa ilalim ng kanyang higaan. Ngunit di naglaon ay tinupok ang bahay ng sunog na nagtulak sa kaniya upang lumipat na lamang ng tahanan.

Read Also: Special Leche Flan Ang Sa Kanya Ay Nagpayaman! Kilalanin!

Ang naisalbang higanteng perlas ay ipinagkatiwala na lang niya sa kaniyang tiyahin na isang opisyal ng turismo sa lungsod ng Puerto Princesa Palawan kaya agad naman nilang natuklasan na ang perlas na ito ay galing sa isang higanteng clam.

Ayon pa sa kaniyang tiyahin, labis na pagkamangha ang kaniyang naramdaman nang unang makita ang perlas na dinala ng kaniyang pamangking mangingisda.

Sa tulong ng mga gemologist, napatunayan na tunay nga ang nasabing perlas. Ang nakakalulang kapalit na halaga ay tinatayang $100M o 5 Bilyong Piso ayun sa mga eksperto at natanyag ito sa buong mundo, naisulat ng iba’t ibang mainstream media at itinala sa kasaysayan ng buong mundo noong taong 2016.

Ito ay unang ipinakita sa isang tourist attraction sa Puerto Princesa sa Palawan City Hall mula noong taong 2016.

Read Also: Espiritu Ni Christine – Told Psychic To Solve The Case?

Ngunit sa kasalukuyan, ang naunang perlas na natagpuan din sa Palawan nung 1934 ng isang mangingisda sa Brookes Point, Palawan at dating hawak ng isang chieftain ng tribung Muslim ay dinala sa America ng isang Filipino American mula sa Cuyo Palawan noong 1939 ay nagkakahalagang $35M, na hindi pa pinangalanan ay kasalukuyang nasa exhibit sa museo ng Odditorium New York branch na hawak ng kilalang attraction na Ripley’s Believe it or Not!

Para sa mas kumpletong detalye ng kwentong “Pearl of Lao Tzu” o “The Pearl of Allah” click nyo lang po ang word at mag redirect ito sa comprehensive story of this item..

Anong maidaragdag nyo sa very inspiring na istoryang ito? Just leave your comment down below and let’s have some convo.. Thanks for your invaluable time spent with us!

Continue Reading

trending

Artificial Floating Island Thru Plastic Bottles? Alamin!

Kilalanin natin ang genius architect na ito na gumawa ng artificial floating island mula sa mga itinapong more than 150k plastic bottles!

Published

on

artificial floating island
CTTO RIchard Sowa / Photo from Google

Artificial floating island thru plastic bottles? Alamin natin ang isang kakaibang disenyo ng isang arkitekto na ginawa ng isang henyo na hinangaan ng buong mundo!

Kilalanin natin ang architect at narito ang  kanyang kwento:

Ang mga nagkalat na basura sa ating kapaligiran ay maaari pa nating mapakinabangan sa pamamagitan ng pag-rerecycle. Katulad na lamang ng boteng plastic na marami ang maaaring gawin. Pwedeng maging dekorasyon, lagayan, at marami pang iba.

Ngunit, sino ang mag-aakala na may mas malaki pa palang pakinabang ang mga plastic bottles?

Ang kakaibang ginawa ng isang lalaki gamit ang mga plastic bottles ay nagpabilib sa marami. Si Richart Sowa, 61 taong gulang, isang environmentalist at architect, ay nakapag-isip na gumawa ng sarili niyang artificial floating island na gawa sa mahigit 150,000 piraso ng plastic bottles. Dito rin niya itinayo ang kanyang bahay, at magmula noong 2008, ay dito na siya nanirahan.

Nagsimulang gawin ni Richart ang paggawa sa isla noong 2005, ngunit hindi siya nagtagumpay. Ito ay nasira ng mapaminsalang panahon kasama ang isang maliit na isla na kanya ring ginawa na tinawag niyang Spiral Island.

Bagama’t, hindi nagtagumpay ang una at pangalawang subok ni Richart, ay hindi siya sumukong sumubok ulit. At sa pangatlong pgkakataon, ay gumawa siya sa isang lagoon. Sa tulong ng karpintero, ay nakabuo si Richart ng matibay na pundasyon, na may habang 25-meter na kayang makipagsabayan at hindi agad magigiba ng anumang bagyo.

Mas pinatibay rin ito ng frame na gawa sa kawayan kung saan ay nilagyan nila ng kahoy at buhangin. Kinabitan naman ito ng sangkatukak na plastic bottles na magbibigay ng suporta sa itatayong bahay, at anumang bagay na ilalagay rito.

Matapos nga ang pitong taon, ang pangarap niyang floating island na magsisilbi niyang paraiso ay kanya niyang naisakatuparan. Ang napakagandang isla ay tinawag niyang Joyxee Island. Ang kanyang bahay na itinayo sa isla ay may tatlong palapag na gawa naman sa mga shells.

Tila naman nasa isang napakalaking bahay komportableng naninirahan si Richart. Dahil, ito ay may 2 bedrooms, kitchen, 3 showers, at isang wave-powered washing machine. May 100-ft cable ring konektado sa isla na magbibigay naman ng kuryente, tubig at internet access.

Kahanga-hanga rin dahil may filtered pool ito kung saan ginagamit niya sa pagligo. May hiwalay ring pool na nagsisilbi namang hot tub. Makikita na rin sa isla ang lahat ng bagay na kinakailangan ng isang tao upang mabuhay. May iba’t ibang klase rin ng halamang nakatanim sa isla, mula sa mga namumungang puno hanggang sa maliliit na halaman. At nais nga ni Richart mapunan niya ang sarili niyang pangangailangan gamit ang sarili niyang kakayahan.

“My plan is to become self-sufficient. I am a vegetarian, and have many plants growing on the Island which I eat, but for more variety I go by bicycle to the nearby local shop.” sabi pa ni Mr Sowa

“I have a ferry I also made from plastic bottles, which can carry up to eight people to and from the shore.” pagtatapos gn kanyang kwento

Anong masasabi nyo sa husay at galing ng pagkakadisenyo ng Artificial Floating Island ni Mr. Richart Sowa? Just comment down below for your invaluable support and positive reaction regarding this matter.

Continue Reading

Trending